Gonzalez Juan USPM 2015 Headshot-2a (2)

Maliliit na Kaalaman tungkol kay Juan

  • 30 taong paglilingkod sa ating komunidad ng San Leandro
  • Pamumuno at indibidwal na pagtulong sa ibat-ibang mga organisasyon sa komunidad
  • May Ph.D. mula sa MIT sa ekonomiya (mga pangunahing larangan: public finance at industrial organization)
  • Kasal kay SLUSD School Board Trustee na si Evelyn Gonzalez nang halos 30 taon na
  • Ama ng apat na anak na nag-aral at nagtapos sa mga paaralang pampubliko ng San Leandro
  • Pangunahing kasosyo ng KPMG (may-ari ng negosyo)
Kilalanin si Juan

Sa loob ng mahigit na 30 taon, naglingkod si Juan sa komunidad ng San Leandro, at nakilala siya bilang isang masipag, maunawain, at mahabaging pinuno.

Masipag, Determinado, at Masigasig para sa Edukasyon

Si Juan ay ipinanganak sa Texas sa mga magulang na Meksikanong-Amerikano na nakaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsusumikap. Noong bata pa siya, narinig niya ang mga kuwento ng kanyang ina tungkol sa paglalakbay sa West Texas para sa “la pisca” — ang pagpitas ng mga pana-panahong pananim, kabilang na ang mga gulay at bulak. Ibinahagi ng kanyang ina ang kuwento tungkol sa isang kamag-anak na ipinagmaneho siya ng 20 milya at walang pagdaramot na nagbigay sa kanya ng pera para makapag-enrol siya sa kanyang unang klase sa kolehiyo.Nagbahagi ang kanyang ama ng mga kuwento tungkol sa Great Depression at ang kahalagahan ng pagiging handa (sa buhay). Bilang mga guro, kapwa nila binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon, kasipagan, at pagtulong sa kapwa.

Juan's Grandparents
Juan's grandparents
Juan assisting his father
Juan with his father

Dahil sa inspirasyon ng kanyang mga magulang, nagkaroon si Juan ng hilig sa pag-aaral, pagtulong, at pamumuno. Nagtapos si Juan sa University of Texas at nagtamo ng pinakamataas na karangalan sa ekonomiya. Natutunan din ni Juan ang halaga ng pagsusumikap at marangal na pagtatrabaho sa panahong ito; nagtrabaho siya bilang busser, bagger, stocker, at tutor.

Sa tulong ng pagtataguyod ng Ford Foundation Fellowship, ipinagpatuloy ni Juan ang kanyang pag-aaral at nakamtan niya ang PhD sa Economics, major in Public Finance and Industrial Organization mula sa Massachusetts Institute of Technology (MIT).

Pumasok si Juan sa pagnenegosyo bilang isang data analyst at doon ay nagtrabaho siya ng mahabang oras. Sa kalaunan, si Juan ay nagtayo ng sarili niyang negosyo bilang pangunahing kasosyo ng nangungunang accounting firm na KPMG, kung saan siya ay nagtrabaho ng mas mahabang oras sa pagtulong sa mga ahensyang pampubliko at mga kliyenteng non-government na malutas ang mga komplikadong isyu. Sa KPMG, matagumpay na namuno si Juan sa mga taong matatalino na may magkakaibang kultura. Tinulungan niya ang kanyang mga tauhan na maging mga pinuno mismo sa kompanya.

Pagpapalaki ng Pamilya sa San Leandro

Ikinasal sina Juan at Evelyn may halos 30 taon nang nakaraan. Magkasama silang nagpalaki ng apat na kahanga-hangang anak, na lahat ay nagsipag-aral at nagsipagtapos sa mga paaralang pampubliko ng San Leandro. Kasalukuyan silang biniyayaan ng dalawang apo.

Kids_Young
Juan and Evelyn's four children (2006)

Ang pagiging magulang ay nagbigay kina Evelyn at Juan ng pagkakataon na magtulungan at tuklasin ang mga lakas ng isa't isa. Bagama't hindi laging madali ang pagiging magulang, nanatili silang matiyaga sa pagpapatibay ng kahalagahan ng mga pangunahing pagpapahalaga tulad ng katapatan, pananampalataya sa Panginoon, pakikiramay, pagkabukas-palad, pagpapatawad, at pagpapa-una sa mga pangangailangan ng iba. Nagpapasalamat sila sa suportang natanggap nila mula sa napakaraming tao sa komunidad noong mga nakaraang taon dahil ito ay talagang “it takes a village” (tulung-tulungan ang mga kanayon).

Namumukod-Tanging Serbisyo at Malalim na Pangako sa San Leandro
Setup_Roosevelt_Festival-2
Juan and Evelyn volunteering for 30 years

Alam ni Juan na ang pamumuno ay tinutupad sa pamamagitan ng halimbawa. Sa loob ng 30 taon, direktang ibinahagi ni Juan ang kanyang mga talino sa mga nangangailangan, kabilang na ang pagluluto para sa, at paglilingkod sa, mga nangangailangan sa San Leandro warming shelter, pangangasiwa sa night shift sa madaling-araw sa St. Leander's warming shelter, at pagluluto at pagdadala ng sabaw para sa April Showers.

Nagboluntaryo si Juan sa mga silid-aralan, nagturo ng algebra sa ika-5 baitang, nagluto ng mga hotdog meal para sa 1,000 estudyante at miyembro ng pamilya na dumadalo sa oryentasyon, at nagturo ng moral na pagdedesisyon sa mga estudyante sa high school. Ibinahagi ni Juan ang kanyang hilig sa musika sa pamamagitan ng paglilingkod bilang sound engineer (nang walang bayad) para sa maraming mga pagdiriwang, kabilang na ang mga pista sa paaralan at simbahan, mga okasyon sa pangangalap ng pondo para sa mga nonprofit ng San Leandro, at sa talent show ng City of San Leandro Youth Advisory Commission. Ilang dekada na rin niyang ibinahagi ang kanyang mga talento bilang isang musikero ng simbahan at pinuno ng koro.

Si Juan ay humawak ng maraming posisyon sa pamumuno sa San Leandro, kabilang ang paglilingkod bilang vice chair ng Budget Task Force ng Lungsod, Chair ng SLHS Site Council, at Bancroft PTA President. Naglingkod din si Juan sa mga Board of Directors ng San Leandro Education Foundation at Big Brothers and Big Sisters of the East Bay. Bilang karagdagan, parehong ipinagkatiwala ng Lungsod ng San Leandro at San Leandro Unified School District si Juan na maglingkod sa pagkuha ng mga komite para sa mga pangunahing executive sa bawat ahensya.

Isang Mas Maliwanag na Kinabukasan para sa San Leandro